About Us

logo

“The Filipinos are the country’s greatest resource. Economic progress and moral recovery for this country follows if we succeed in educating them, elevate their mindsets, and make them productive and competitive. “

 

Launching Speech
September 21, 2013
Bahay Kalinaw
UP Diliman

 

Lumaki po tayo sa komiks, tradisyonal na komiks, nakakaaliw na basahin at hindi nakakasawang balik-balikan. Masasabi kong malaking bahagi ang komiks sa ating kultura at sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kahit sa ating texting, hindi ba’t ginagamit natin ang mga ganito:

Ang “Hahaha!” ay tawang masaya,

ang “Hehehe” ay tawang may kapilyuhan naman.

ang“Hihihi!” ay tawang mahinhin at

ang “Huhuhu!” ay iyak (o pwedi ring waaaa)

Malapit sa ating mga puso ang komiks.

At kaya naman sa tulong ng Maykapal at sa magandang pagkakataon, ikinagagalak namin na kami’y maging bahagi sa pagsigla muli ng industriya ng komiks dito sa Pilipinas. Sumibol ang ideya sa paggawa ng isang Teaching Tool na puwedeng maabot at maintindihan ng masa. Naisip namin, “bakit hindi tayo gumawa ng komiks na hindi lang pang-aliw kundi kapupulutan din ng mga positibong aral?”

Layunin naming ibahagi ang impormasyon na galing sa makakapal at mahal na mga libro na nakikita natin sa National Bookstore, Powerbooks o Fully Booked para makapagturo sa nakararaming Pilipino. Pero naisip din namin, kailangan na kahit komiks siya ay ituturing rin siya na parang libro. Hindi lang yung tipong inirorolyo at madaling masira.

Kaya ginawa naming siyang parang isang libro, isang komiksbook na may matigas at glossy na cover, black & white, para kahit mamahaling tignan ay maibibigay pa rin namin sa abot-kayang presyo ng masang Pinoy.

Pinangarap naming makagawa ng brand ng Komiks na punong-puno ng adhikain na pagmamahal sa pamilya, sa bayan, sa kalikasan at sa Diyos. Kasama nito ang dasal na ang aming komiksbook ay maging isa sa mga susi upang ang ating bayan ay umasenso at makaahon sa mga problemang kinakaharap tulad ng kahirapan.

At ito po ang kaganapan ng aming pangarap: ang Bayan Komiks. Ang una naming komiksbook, ay ang Ka Ching! Ka Ching! Produkto ng pagbabalanse ng negosyo at malasakit sa bayan, pagpapayaman at magagandang kaugalian. Sa pamamagitan ng mga ganitong uri ng babasahin, inaanyayahan namin kayo na maging bahagi rin ng aming haraya para sa sambayanan.

Maraming salamat po sa inyong pagdalo.

Bishop Ambo

Ted Failon

Carlo J. Caparas